Tuwing disyembre umuuwi kami sa probinsya namin sa Cabarroguis Quirino para magcelebrate ng pasko. Siguro mga limang araw bago magpasko nandoon na kami sa aming probinsya dahil sa wala kaming magawa nagpaisipan namin na pumunta sa Paraiso Tribu Vizcayano tutal malapit-lapit lang naman ito sa aming lugar, siguro mga isa't kalahating oras lang ang biyahe mula sa aming lugar sa Cabarroguis Quirino papunta doon sa lugar na iyon na matatawag ko talagang isang tunay na paraiso.
Mga tanghali kami pumunta sa Paraisong ito, at napamangha kami sa aming mga nakita. Maaliwalas na kapaligiran na napapaligiran ng maraming puno at parang mapapabuntong hingi ka sa sobrang sarap ng simoy ng hangin, presko sa pakiramdam at malamig. Sa entrada pa lang ng lugar na ito ang dadaanan mo papasok ay napapaligran na talaga ng mga naglalakihang mga puno, kaya mararamdaman mo talaga si Inang kalikasan.
Pagdating namin sa Tribu Vizcayano, agad kami kumuha ng matutuluyan, inalok kami ng mga nagbabantay ng parke kung saan namin gusto magpahinga kung sa mga bahay kubo ba o sa mga kwarto na parang sa mga "hotel", ngunit dalhin feel na feel ng pamilya namin na magcamping kaya ang pinili namin ay ang bahay kubo tutal may dala-dala naman kaming mga "tent". Siya nga pala mura lang ang bayad sa entrance kaso nga lang hindi ko na siya matandaan ngayon dahil fourth year highschool pa ako noon nung huling punta namin sa nasaabing lugar at second year college na ako ngayon, basta ang natatandaan ko pa ay libre ang mga batang paslit na aming kasama.
Dahil sa maggagabi na tinayo na namin ang aming tent, ang sarap matulog sa tent dahil mas lumamig pa ang ang paligid na dinaig pa ang aircon namin sa aming bahay.
Kinaumagahan nilibot namin ang lugar, hindi namin nalibot ang buong lugar dahil sa sobrang laki nito na umaaabot ng 24,000 hectares. Nabusog pa rin naman ang aming mga mata sa aming mga nakita ang ang makakapagpatunay ng mga ito ay ang mga litrato sa itaas.
Masaya ang aming naging karanasan sa lugar na ito at dahil sa aming kasiyahan ay nagawa pa namin gumawa ng music video na may musikang "Gangnam style" ito ang napili naming kanta dahil sikat na sikat pa ito noon.
Ito ang aming music video sana magustuhan niyo:
Kaya kung ako sa inyo kahit na malayo ang Nueva Vizcaya mula sa Manila, sulit naman ang pagod niyo dahil sa matatamo niyong kasiyahan at kaginhawahan ng pakiramdam dulot ng magandang tanawin at preskong hangin galing sa inang kalikasan. Takasan mo muna ang pollusyon sa siyudad at siminghot naman ng sariwang hangin sa Paraiso Tributo Vizcayo at kayo rin ay mapapasabing is itong tunay na Paraiso. :)